Monday, April 26, 2010

Sino si Doc Pasia?


Si Doc Pasia ay pinanganak nung Abril 24, 1944 sa bayan ng Ibaan, Batangas at nag-aral ng elementarya at haiskul sa St. James Academy ng Ibaan. Nagtapos sya ng medisina sa Manila Central University at nag-intern sa Jose Reyes Hospital para maging ganap na opthalmologist o Eye specialist.

Nung 1970s ay nakasama sya sa grupo ng mga doctor na naatasan na tumulong sa mga pasyente ng Mariano Marcos Hospital sa Batac, Ilocos Norte. Pagkatapos ng 1986 People Power ay naging consultant sya at lumaon naging Direktor ng Ospital ng Makati kung saan nagsilbi sya ng sampung taon. At sa paninilbihan nyang ito maipagmamalaki nya na isa sya sa tumulong kay Mayor Jejomar Binay na maisulong ang Yellow Card, isang magandang benepisyong pangkalusugan ng mga taga-Makati.


Nagsilbi din si DOC PASIA ng tatlong termino bilang konsehal sa pangalawang distrito ng Makati mula 1998 hanggang 2007. Sa kasalukuyan, sya ay pinuno ng Elderly Health Care Office na nangangalaga sa kalusugan ng mga senior citizens ng Makati.


Para kay DOC PASIA, ang usaping pangkalusugan ay para sa lahat, di lamang ito para sa matatanda kundi para din sa mga kabataan dahil naniniwala sya na ang kalusugan ay kayamanan at mahalagang susi sa magandang kinabukasan.

Kaya umaasa sya kasama ang buong TEAM BINAY ng suporta nyo upang madagdagan at lalo pang umangat ang antas ng mga programang pangkalusugan sa pangalawang distrito ng Makati. Sa tulong at suporta nyo, sama sama nating magagawa ito.